Saturday, June 4, 2011

Sino ba si Darius?

Si Darius ay isang simpleng tao na may simpleng pangarap. Galing sa isang isla na maliit sa pulo ng Mindanao.Isa siya sa mga maraming probinsiyano na nakikipagsapalaran sa Luzon. Nasa 27 taon gulang pa lang ng siya  ay ipinadala  ng mother company nila para dito i-assign sa Luzon. Maganda naman ang trabaho niya, di gaano kalakihan ang sahod. Masaya naman siya sa kanyang estado. Single pa rin si Darius, at lagi niyang ipinagmamalaki na siya ay kabilang sa sinasabi nilang 3rd sex. Ngayon na 30 taong gulang na siya marami ng mga tanong na nais masagot ni Darius sa ngalan ng kanyang kasiyahan. Mga kaibigan, tawagin niyo po akong Darius nais ko pong ipapaalam sa inyo sa pamamagitan nito, akin pong maipahayag ang kuwento ng aking buhay.At ito ang aking mga kuwento.

No comments:

Post a Comment

Post a Comment